Monday, January 10, 2011

2011 PANATA.

 
isa akong DEL ROSARiO. ipinanganak sa QUiAPO,MANiLA, sa 942 bilibid viejo st. lumaki ang tatay ko, at malamang dun narin ibinahay ng tatay ko ang mama ko at bumuo ng isang magandang pamilya . 

dahil nga sa laking quiapo si papa lahat ng kamaganak nya dun simula sa kanununuan eh isang deboto. panganay ako samen kaya ako ang unang namulat sa mga ganyang bagay .


naaala ko pa nung bata ako, yung street namen dinadaan ng prusisyon, dinadaan kami ng itim na nazareno. dati masaya na ko sa ganun lang, naiiyak na nga ko makita ko lang ang pag buhos ng libo.libong tao para makahawak at makasampa lang sa poon. dahil alam kong di ko pa kaya sumama kaya nakikislip nalang muna ako . kapag malapit na ang prusisyon samen maririnig mo na ang mga sigawan ng mga tao. makikita mo ang buhis buhay na paghila sa tali at pag.akyat sa poon 




makikita mo sa bawat tao ang hirap at pagod nila makahawak o makita lang ang mahal na poon. bawat tao may mga ipinagdadasal at hinihiling sa poon . bawat tao nakikiisa sa paghihirap na ginawa ng dyos para sa aten . bawat tao nagkakaisa. 


tuwing JANUARY o9 libo.libong tao ang pumunta sa quiapo church para abangan ang paglabas ng poon . tuwing pista ang mga tao san man lugar naghahanda para lang ipagdiwang ang minsan sa isang taon na mahalagang araw na to.






kahit na sa cavite na kami nakatira every year naluwas pa din si papa para pumasan. walang sablay yun ! sakto din fiesta din dito samen ng january 09 . kaya kaming magkakapatid dito lang tas sila mama sa quiapo.  


nakikibalita lang ako sa TV kung ano ng nangayayari. que anong oras lalabas ang poon at babalik . ilang taong deboto ang nakiparada .
may naaksidente ? may mga tumulong ? bawat detalye gusto ko alam ko . naiiyak ako sa bawat balita na makita ko . naiiyak ako kapag nakikita ko ang poong nazareno.




maganda ang pasok saken ng 2011, madami akong mga bagay2 na naisip . taon ko ata ito . dahil sa fiesta nga samen ng january o9, sinubukan kong umpisahan ang taon ko ng isang makabuluhang bagay . di lang ilang beses kon pinagisipan to . bawat taon nagpupumilit akong sumama sa tatay ko para pumusan sa itim na nazareno pero ayaw nilang pumayag ng mama ko, ang ending magpapadala lang ako sa tatay ko ng bimpo ko para siya nalang ang magpahid nito sa poon . taon-taon ganon. pero ako yung tipo ng tao na hindi makontento . gusto ko balang araw makapasan din ako sa poon . mahawakan at makita ng malapitan . tatakasan ko magulang ko para magawa ko ang  gusto ko . inumpisahan ko na ngayon taon ang pumasan, pero hindi sa quiapo kundi dito sa brgy sampaloc4 dasma cavite . ritwal na din dito ang pagpasan kaya inumpisahan ko na ngayon para sa susunod sa quiapo na talaga ung saan ang orihinal . 


wala akong bra nung lumabas ako. akala ko tamang karakol lang kaya sumilip lang ako. maya-maya nasa likod ko na ang ninang ko . panay ang takbo para makapsok sa tali ng nazareno. umuwi ako ng mabilis para magjaket ng makapal dahil mas matatagalan kapag nagbra pa ko . kabado ako . maniyak2 dahil unang beses ko tong gagawin . masaya ko dahil sa wakas . mababawasan din ang mga kasalanan ko at makakahingi ng tawad sa taas. eto na papunta na ko . hahawakan ko na ang tali naiiyak ako . natatakot . nasa loob na ko sa wakas . hala sige hila . lakad . kanta . VIVA NAZARENO ! sigaw ng karamihan . sigaw ko rin . hala sige ecaaa lakad ng mabawasan nmn ang ma kagaguhan mo . hanggang ngayon masayang masaya ako . ang sarap sa pakiramdam ! lalo na siguro sa quiapo . pero ok na ko sa ngayon .


paguwi ko hindi ko agad nilinisan ang paa ko . gusto ko madama pa lalo ang mga putik sa paa ko bunga ng paghihirap ko . kumpara sa hirap ng dyos walang wala yun. 





 kaya kung mamamatay ako . gusto ko nasa kalagitnaan ako ng pagpasan sa itim na nazereno .
muling mabubuhay para pagsilbihan ang panginoon . 

iilan lang sa mga kaibigan ko ang nakakalam na kahit papano madasalin din akong tao. 

sign of the cross bago matulog.
sign of the cross pag nadadaan sa bawat simbahang katoliko.
dasal kapag paalis.
dasal kapag alam ng papagalitan .
simba tuwing linggo kasama pamilya .

at higit sa lahat ...

DASAL NG PASASALAMAT. 





1 comment:

  1. The Fear of the Lord is the beginning of Wisdom...but fools despise wisdom and nstruction...

    God Bless.. ekang

    ReplyDelete